top of page

1.TANONG: Ano ang inyong batayan na mayroong tatlong persona ang Dios?


1.TANONG: Ano ang inyong batayan na mayroong tatlong persona ang Dios?

SAGOT: (a) UNANG BATAYANG TALATANAMAY ROONG TATLONGI PERSONA ANG DIOS (Genesis1:26)

26 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis at magkakaroon sila ng kapangyarihan sa mga, isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.

Ano ang sabi ng Dios? “Lalangin natin ..." Ang salitang natin ay nangangahulugang higit sa isang persona. Sila ay naguúsap o ang magkausap dito ay magkasama sa paglalang ng tao at paggawa ng sanglibutan. Sila ang Manlalalang kausap dito ng Dios ay hindi anghel o Querubin, sapagka't anghel o Querubin ay nilalang (Ezekiel 28:13, Manlalalang. Diyos lamang ang lumalang sa tao (Genesis at sa sanglibutan (talatang 1).

Sinu-sino ba ang mga persona na Manlalalang?

(1) ANG DIOS AMA (Gawa 17:31) AY MANLALALANG (talatang 24).

24 Ang Dios na gumawang sanglibutan at ang lahat ng mga bagay nanaririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;

(2) ANG ANAK NA SI CRISTO AY MANLALALANG. Hebreo 1:2.

2 Ay nagsalita sa atin sa mgahuling araw pamamagitan ng Kanyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmanå ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

Inihahayag ng talata na sa pamamagitan ng Anak, na siyang Cristo, ay ginawa ang sanglibutan. Nangangahulugang si Cristo ay naroon na sa panahon ng paglalang ng sanglibutan. Ito'y nangangahulugan din na si Cristo ang kausap ng Dios Ama nang sabihing, "Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis." Genesis 1:26"

(3) ANG BANAL NA ESPIRITU NG DIOS AY MANLALALANG. Genesis 1:2 at Job 33:4.

2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. Ito'y nagpapatunay na presente, na noon ang Espiritu ng Dios. At ang Espiritu ng Dios ay kasama sa paglalang ayon sa Job. 33:4. 4 Nilalang ako ng Espiritu ng Dios. At ang hininga ng Makapangyarihan sa lahat ay nagbibigay sa akin ng buhay.

Maliwanag, ang Espiritu ng Dios ay Manlalalang.

(PAUNAWA: Ang Espiritu ng Dios ay may bukod na kakanyahan sa Anak at sa Ama. Mateo 3:16, 17. Nang si Jesus nasa lupa, matapos na Siya'y bautismuhan, ay lumapag kanya ang Espiritu ng Dios tulad sa isang kalapati, at, mula naman sa langit ay narinig ang tinig ng Ama. Silang Tatlo ay magkakabukod ang kakanyahan.)

Kaya ang tatlong persona, ang Ama, ang Anak* at ang Banal na Espiritu ng Dios, ang Manlalalang. Sila ang magkakausap sa Genesis 1:26, "Lalangin natin ang tao sa ating larawan." Sila ang tatlong persona sa isang "Dios" (Elohim) na lumalang sa tao. Genesis 1:27, "At nilalang ng Dios(Elohim) ang tao.

Ang salitang Hebreo na Elohim, na isinalin sa wikang Filipino na "Dios," ay "plural in form which signifies plurality of person but singular in meaning." (Ang anyo ng salitang Elohim ay pangmaramihan na nagpapahiwatig pagkamarami ng persona nguni't pang-isahan' sa kahulugan.) Ang pang-isahang anyo ng Elohim ay El, o Elah, o Eloah. Ginagamit ang salitang Elohim sa Genesis 1:27, upang tukuyin ang higit sa isang persona. Kung isang persona lamang ang tinutukoy ang ginamit sana na salita ay El, o Elah, o Eloah.

a) Tanong: Sa Bibliang Hebreo, ang salitang Elohim ay may dalawang salin sa mga Bibliang English. Ang Elohim ay isinalin na God at gods. Ngayon, paano mo matitiyak na ang salin na God o gods ay tumpak? Hindi ba nagkakataon na ang gods ay dapat God ang salin, at ang God ay dapat gods ang salin?

Sagot: Kapag ang Elohim ay may plural (pangmaramihan, na pandiwa (verb), o kaya ay may plural na panag-uri (adjective), ang salin ay gods (mga dios). Nguni't kapag ang Elohim ay may singular (pangisahan) na pandiwa, o kaya ay may singular na panag-uri; ang salin ay God (Dios). (J. Weingreen, A Practical Grammar for Classical' Hebrew, Clarendon Press: Oxford, 1959, p. 307)

(b) IKALAWANG BATAYANG TALATA NA MAYROONG TATLONG PERSONA ANG DIOS. Mateo 28:19

19 Dahil dito'y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mgä bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Sa theology ang ibig sabihin ng Trinity ay "Tatlong Persona sa Iisang Dios."

Ang talatang Mateo 28: 19 ay hindi nagpapahayag ng "mga pangalan." Hindi plural (pangmaramihan) ang ginamit, kundi singular (pang-isahan) at ito'y ang "pangalan." Ang isang pangalang ito ay sumasaklaw at tumutükoy sa tatlo, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo.

Ano ba ang isang pangalan na sumasaklaw sa Ama, Anak at Espiritu Santo?

Ang kasagutan ay nasa Amos 5:27;

27 Kaya't kayo'y aking papapasukin sa pagkabihag sa dako roon ng Damasco, sabi ng Panginoon, na ang pangala'y Dios ng mga hukbo.

Maliwanag, ang pangalan ay Dios. At ang isang pangalang ito ng Ama ay sumasaklaw din kay Cristo (Hebreo 1:8) at gayon din sa Espiritu-Santo (Gawa 5:3, 4). Maliwang, ang isang pangalang Dios ay tumutukoy sa tatlong persona: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo.

(PAUNAWA: Bawa't isa sa kanila ay matatawag na Dios, nguni't Sila ay isang Dios. Tulad ng mag-asawa [Mateo 19:5, 6]. Ang asawang lalake ay laman, at ang asawang babae ay laman. Bawa't isa sa kanila ay matatawag na laman nguni't sila'y isang laman. Mateo 19:5 6.)

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page