TANONG: Ang wika sa Gawa 10:11-17, ang lahat ng uri ng mga hayop ay nilinis na ng Dios. Bakit ang wi
13. TANONG: Ang wika sa Gawa 10:11-17, ang lahat ng uri ng mga hayop ay nilinis na ng Dios. Bakit ang wika ninyo ay karumaldumal pa ang baboy?
SAGOT: Basahin natin ang magandang talatang nabanggit.
Gawa 10:11-17, 11 At nakita niyang bukas ang langitr at may isang Sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa: 12 Na doo'y naroon ang lahat ng uri ng mgà hayop na may apat na paa ât ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit. 13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro, magpatay ka at kumain. 14 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagkait kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal. 15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ika-lawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipqhgay na marumi. 16 At ito'y nangyaring makaitlö: at pagdakay binatak sa langit ang sisidlan. 17 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
Maliwanag sa talatang 17 na ang mga hayop na marumi at karumaldumal na ipinakilala ng Dios kay Pedro ay pangitain lanğ pala. Sa ganon hindi aktuwal na hayop, hindi literal na hayop, kundi isang pangitain lang (talatang 17). Ayon din sa talatang ito ang pangitain ay may kahulugan. Ang pangungusap sa talatang 13 na "magpatay ka at kumain” ay bahagi lang ng pangitain. Nangangahulugang hindi aktuwal at hindi literal na magpapatay at kakain nğ mga marumi pt karumaldumal. Ang pangitaing "magpatay ka at kumain” ay may kahulugan. Sa talatang 15 ang pangungusap na "Ang nilinis ng Dios ay huwag mong ipalagay na marumi” ay bahagi din ng pangitain. Nangangahulugang hindi aktuwal, hindi literal na nilinis na ng Dios ang marumi at karumaldumal na mga hayop sapagkat pangitain lang. İyon ay may kahulugan. Sinaşabi sa talatang 17 na si Pedro ay natitilihang totoo kung ano ang kahulugân ng pangitain. Ang Dios mismo ang Siyang nagpakilala kây Pedro ng tunay na kahulugan. Narito ang ipinakilalang kahulugan ng pangitain, ayon sa talatanğ 28; 28 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyö na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama o lumâpit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Dios, na sinbmang tao'y huwâg kong tawaging matumi o karumaldumal.
Itinuturo ng talata na ang mga taong taga ibang bansa, na hindi Judio, ang siyang kahulugan at tinutukoy na mga marumi at karumaldumal na mga hayop. Ang mga taong hindi Judio, tulad ni Cornelio, ayon sa "context" ay "nililinis" din ng Dios, kaya ang sinumang "nilinis" na ay hindi dapat tawaging marumi o karumaldumal. Paano ba sila nilinis? Ang kasagutan ay nasa aklat ding ito, Gawa 15:9, 9 At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso. Ito'y nangangahulugang ang mga hindi Judio na itinuturing na mga taong marumi at karumaldumal nguni't sumampalataya ay nilinis na sa kanilang puso. Ano naman ang kahulugan ng "magpatay ka?"
Sa kahulugan ng pangitain, ang Banal na Espiritu ang siyang nagbibigay ng instruksiyon kung ano ang gagawin ni Pedro bilang katuparan ng pangitain. Sinabi ng Espiritu kay Pedro, “Magtindig ka" (Gawa 10:19, 20). Ito'y katuparan ng pangitain sa 10:13, “Magtindig kå” Ang Banal na Espiritu ay may kasangkapang ipinagagamit kay Pedio upang tuparin ang may kahulugang "pagpatay" kay Cornelio at kaniyang mga kasamahan. Ang kasangkapang ito ng Espiritu ay ipinahayag sa Efeso 6:17 turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios. Ang itabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios ang kasangkapang ipinagagamit ng Banal na Espiritu käy Pedro upang tuparin ang may kahulugang "pagpatay.” Ito'y tinupad ni Pedro, ayon sa pahayag sa Gawa 10:43 at 44, 43 Siya ang pinätötohanän ng lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampålataya sa kaniya ay magkäkamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan. 44 Samantalang nagsasalita pa Si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita. Ang pangangaral ni Pedro ng salita ng Dios na tabak ng Espiritu ang naging dahilan ng pagkahikayat nina Cornelio. Ayon sa talatang 48, Sina Cornelio 'ay nangabautismuhan. Sa Roma 6:4 ang bautismo ay itinuturing na “bautismo sa kamatayan" sa kasalanan (ihambing ang talatang 2). Nangangahulugang ang pangangaral ni Pedro ng salita ng Dios ang siyang pagtupad ni Pedro sa utos ng Dios na "magpatay ka."
Ano naman ang kahulugän ng “kumain?”
Katulad ito ng sinasabi ni Jesus sa Juan 6:56, 56 Ang kumakain ng aking laman at uminum ng aking dugo ay nanamahan sa akin, at ako’y sa kaniya. Ang talinhaga ng talatang ito ay nagpapahayag na kapag kinain si Cristo, siya'y nananahan kay Cristo at si Cristo'y nananahan sa kaniya. Nangangahulugang sila'y may pag sasamahan. Kaya ang ibig sabihin ng 'kumain" ay "makisama." Itong "makisäma," na kahulugan ng salitang “ku main," ay tinupad din ni Pedro nang sabihin sa Gawa 10:28 na sinasabing, “Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isång taong Judio na makisama o lumåpit sa isang taga ibang bansa” nguni't ngayon si Pedro ay lumapit kina Corielio at nakisama sa känila. Ganon tinupad ni, Pedro ang utos ng Dios sa kaniya na “kumain.”