2. TANONG: Bakit kayo nagtuturo na ang Espiritu ng Dios ay persona, samantalang ang Espiritu Santo a
2. TANONG: Bakit kayo nagtuturo na ang Espiritu ng Dios ay persona, samantalang ang Espiritu Santo ay isa lamang "active force" o kapangyarihan.
SAGOT:
UNA. Pagbatayan natin ang Biblia.
Ano ba ang kahulugan ng salitang 'persona" (Person)?
Ang salitang "person" ay salin mula sa salitang Griego na "prosopon, o prosopo" tulad ng masusumpungan sa 2 Corinto Ito'y isinalin sa King. James Version na "person," Revised Standard Version na "presence". Isinalin naman sa Tagalog Bible na "harapan?' (presensiya). Sa ibang panig (aspect) ang mga salitang "presence" at ''persona ay magkasing kahulugan at magkatumbas.
May kasabihan tayo sa Tagalog, "kung ikaw ay manliligaw ay kailangang personalin mo ang dalaga." Ang ibig sabihin nito ay, "kung ikaw ay manliligaw ay kailangan ang presensiya mo sa dalaga.
Kaya sa isang panig ang "presence" at "person" ay magkasing kahulugan.
Basahin-natin ang Awit 139:7: 7 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? ("presence" sa English Bible)
Napapansin natin na ang unang taludtod ng tulang it kabalalay (parallel) ng ikalawang taludtod, at "synonym (magkahulugan) ang mga salitang ginamit. Sapagka't ang wang taludtod na ito ay ünatawag ng mga Hebreo na "syn mous parallelism" (magkasing kahulugang magkabalal; magkatumbas na magkabalalay).
Ito'y nangangahulugang ang mga pangungusap sa talat "Saan ako paroroon" ng unang taludtod ay katumbas ng " ako tatakas." At ang huling pangungusap sa unang taludto "mula sa iyong Espirutu?" ay katumbas ng "mula sa iyong harapan?"
Sa isipan ng mga Hebreo sa "synonymous parallelism sa nabanggit na talata, ang "paroroon" ay nangangahulugang " 'tatakas" at ang 'Espiritu" ay nangangahulugang "harapan" (presence). Kaya ang Espiritu ay nangangahulugang "presence" (lsipan, presensiya). Ang salitang "presence" (harapan) ay mula sa salitang Hebreo na "panim," na ito'y isinalin din na "person" sa Job 13:8, sa King James Version. Kaya ang "presence" at "person" ay magkasing kahulugan.
Sa isang panig, ito'y nagpapatunay na: Ang "presence" ay "person" (persona) Ang 'Espiritu" ay "presence" Samakatuwid, ang "Espiritu" ay "person" (persona). Maliwanag, ang Espiritu ay persona.
IKALAWA: Pagbatayan naman natin ang Dictionary kalakip ang Biblia.
Narito ang wika sa napakakapal na Dictionary (Webster's International Dictionary, second edition, sa pahina 1,827) tungköl sa ikalawang kahulugan ng "person" (persona):
Person 2: A being characterized by conscious apprehension, rationality, and a moral sense.
Sa salin sa Tagalog ay ganito ang wika;
Persona. 2. Isang umiiral na napagkikilala sa nakakamalay na pagkaunawa, pagkamaykatuwiran, at may pagkaunawa sa mabuti at masama.
Ang salitang "persona" ay nangangahulugang "isang umiiral na... may pagkamaykatuwiran. Ang mga hayop ay hindi makakapangatuwiran. Sila ay sumusunod sa ipinagagawa ng tao at puwede rin silang sumuway, nguni't hindi sila nakapangangatuwiran kung bakit sila sumusunod o kung bakit sila sumusuway. Hindi talaga likas sa hayop ang pangangatuwiran. Kaya ang hayop ay hindi "persona."
Ang Banal na Espiritu ay maypangangatuwiran:
Una. Sa Gawa 15:28 ay sinasabi na "minagaling ng Espiritu Santö" ("It seemed good to the Holy Spirit," NIV) na sila'y huwag "atangan ng mabigat na pasanin." Ito'y nangangahulugang ang Espiritu Santo ay may magaling na "reason" na sila'y huwag "atangan ng mabigat na pasanin." Dahil sa ang Espiritu Santo ay may magaling na "reason," ang Espiritu Santo ay persona.
Ikalawa. Ang Espiritu Santo ay tinawag sa Griego na "Parakletos." Juan 14:26. Ang salitang "Paraklétos" ay isinalin din na "Advocate," 1 Juan 2:1. Sa Tagalog ang "Advocate" ay Abogado. Ang Abogado ay may pangangatuwiran. Dahilan sa ang Espiritu Santo ay "Parakletos" (Abogado), may pangangatuwiran, ang Espiritu Santo ay persona.